Maaari nang ipa-ban ang kaanak na lulong sa online sugal tulad ng “scatter,” ayon sa Malacañang.
Inihayag ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na pwede nang idulog sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga indibidwal na lulong sa online sugal kung ito ay naglalaro sa isang lisensyadong gambling website.
“Ang pakiusap ko sa ating mga kababayan at sa mga pamilya kung ang inyong mga kaanak ay nagugumon sa sugal, ipag-alam lamang po ninyo sa PAGCOR at mabilis po itong aaksyunan,” ayon kay Castro.
Bukod dito, tiniyak naman ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi titigil ang PAGCOR at Department of Informations and Communications Technology (DICT) sa pagpapasara ng mga nagsusulputang illegal gambling website.
“Hindi po kasi siya maiko-compare sa POGO. Sabi nga po natin, ito po ay nanggagaling sa illegal website. So, ang tangi lamang po nating gagawin ay laging ipatanggal, ipasara through the DICT itong mga illegal website,” sabi ni Castro.
Sa ngayon ay aabot na sa 7,000 illegal website ang naipasara na ng pamahalaan.
#D8TVNews #D8TV