Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. JV Ejercito tungkol sa umano’y “weaponization” ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pag-isyu ng Letters of Authority (LOA), na aniya’y nagiging kasangkapan para sa korapsyon.
Ayon sa senador, may mga reklamo mula sa foreign chambers at diplomatic partners na ilang opisyal ng BIR ay “kumikita” mula sa pagproseso ng LOA.
Hinimok niya ang BIR na muling repasuhin ang kanilang mga proseso, lalo na sa pag-isyu ng LOA, dahil maaaring magdulot ito ng kalituhan at kawalan ng tiwala ng mga Negosyo na posibleng magtaboy ng mga dayuhang mamumuhunan.
Ipinaliwanag din niya na may mga ulat ng sobra-sobrang LOA, kabilang ang mga LOA para sa mga taxable year na dati nang settled at mga LOA na pinagsasama ang maraming taon.
Sa isang kaso, ang P100M tax assessment ay ibinaba sa P75M matapos ang umano’y “settlement,” kalakip ang utos na “ayusin ang resibo.”
Kinababahala ni Ejercito na higit pang bumababa ang atraksyon ng bansa sa foreign investors dahil sa mga ganitong pangyayari. | via Allan Ortega
