Judo Team Manila, wagi sa Batang Pinoy 2025

Tagumpay ang judo team manila sa ginanap na Batang Pinoy 2025.

Nagwagi ng gold medal sina Ar Sherwin Padlan at Justine John Martinez, habang bronze medalist naman si Axcel Carlos.

Ipinamalas ng tatlo ang kanilang disiplina, tibay, at husay sa larangan ng judo.

Ayon sa coaching team, inspirasyon sa kabataang atleta ang tagumpay ng grupo, na patunay na “tuloy-tuloy ang laban kapag may puso at sipag.”

Samantala, sa inilabas na Batang Pinoy medal tally nangunguna pa rin ang lungsod ng Maynila na may pitong gold, anim na silvers at apat na bronze na may kabuuang 17 na medalya.

Congratulations, Judo Team Manila! | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *