Pumanaw na si dating Senate president at Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile sa edad na 101.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Katrina Ponce Enrile nitong Huwebes, November 14.
Si Enrile ay unang napaulat na nasa intensive unit care (ICU) dahil sa pneumonia.
Sa plenary session noong November 11, matatandaang ibinahagi ni Senator Jinggoy Estrada na nasa ICU ang dating senador at mababa na umano ang tyansa na maka-survive pa.
Nag-alay naman ng panalangin ang Senado para kay Enrile na pinangunahan ni Senator Joel Villanueva.
Nitong October 24, nakadalo pa si Enrile sa promulgation ng kanyang kinakaharap na kaso sa Sandiganbayan kahit na ito ay nasa ospital kung saan kalauna’y napawalang sala rin ito.
Isa sa sumikat kay Enrile ay ang kanyang tagline na “Gusto ko, happy ka!” | via Alegria Gallimba
