JPE, nasa critical condition dahil sa pneumonia

Nasa kritikal na kondisyon ang 101 taong gulang na dating Senate President at Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile at kasalukuyang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital nang dahil sa pneumonia.

Inihayag ni Senator Jinggoy Estrada ang balita tungkol sa kondisyon ni Enrile sa kalagitnaan ng Senate plenary session nitong Martes, November 11.

Dagdag pa nito, ayon daw sa kanyang very reliable source ay maliit ang tsansang maka-survive si Enrile.

Naglaan naman ng oras ang Senado para ipagdasal si Enrile, na pinangunahan ni Senator Joel Villanueva. | via Kai Diamante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *