Jinggoy: Palpak ba ang K-12 Program?

Naglabas ng kritisismo si Sen. Jinggoy Estrada sa isinagawang budget deliberations para sa Department of Education (DepEd), partikular tungkol sa K-12 education system.


Aniya, “I think this is a failure, since lahat ng mga nakapagtapos sa senior high school, kapag nag-a-apply ng trabaho, ang hinahanap pa rin ay college graduate.”


Dagdag pa ni Estrada, nakakatanggap ang kanyang opisina ng mga reklamo mula sa publiko na humihiling na tanggalin ang senior high school program.


Binigyang-diin ng senador na ang dalawang dagdag na taon sa K-12 program ay nagreresulta sa mas mataas na gastusin para sa tuition fees, libro, pagkain, transportasyon, at iba pang pangangailangan ng mga estudyante.


Samantala, tumugon naman si Senate Finance Committee Chair at budget sponsor Sherwin Gatchalian, na ang pangunahing layunin ng K-12 program ay ihanda ang mga Filipino learners para makasabay sa global standards.


Kasalukuyang ipinapatupad ng DepEd ang iba’t ibang reporma para tugunan ang mga dapat isaayos sa senior high school program, kabilang na ang pagbabawas ng core subjects mula 15 na ngayo’y lima na lamang.


Kabilang sa mga ito ang Math, Science, Life Skills, Communication, at Kasaysayan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *