Jewelmer Crown, muling tampok sa Miss Universe 2025

Handa na ang entablado para salubungin ang bagong kandidata na magmamay-ari ng prestihiyosong Jewelmer Lumière de l’Infini crown sa Miss Universe 2025, na gaganapin ngayong November 21 sa Bangkok, Thailand.

Unang nasilayan ang korona sa coronation night ng Miss Universe 2024, at ngayong taon, muling ibabalik ito ayon sa pahayag ng Filipino jewelry brand na Jewelmer.

Dinisenyo ang korona bilang tribute sa Pilipinas at sumasalamin rin ito sa pinaglapit na konsepto ng karangyaan at kultura.

Naging inspirasyon rin sa paglikha ang golden South Sea pearl o ang tinaguriang national gem ng bansa.

Ang nasabing korona ay ginawa ng mga Pinoy master craftsmen gamit ang tradisyunal na teknik mula sa Place Vendôme, ang “center of elegance” sa France.


Samantala, si Miss Universe Philippines Ahtisa Manalo ay naghahangad para sa ikalimang korona ng Pilipinas sumunod kina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), and Gloria Diaz (1969). | via Anne Jabrica, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *