Jessica Sanchez, may New Year countdown concert sa Maynila

Uuwi ng Pilipinas si Jessica Sanchez para sa New Year countdown concert ng Newport World Resorts sa Manila Marriott Grand Ballroom, Pasay, ngayong December 31.


Ito ang unang performance niya sa bansa mula noong Miss Universe Philippines 2023, at unang gig din niya matapos manalo sa “America’s Got Talent” Season 20 nitong Setyembre.


Ayon sa Newport World Resorts, maaaring mag-email sa info@fhtcentertainment.com para sa early seat reservations.


Si Jessica ay unang sumali sa America’s Got Talent noong siya ay 10 taong gulang, at umabot sa semi-finals. Naging mas sumikat siya bilang runner-up ng American Idol Season 11.


Nagbalik siya sa AGT nitong Hulyo kung saan kinanta niya ang “Beautiful Things” at nakuha ang golden buzzer ni Sofia Vergara. Sa finale, inawit niya ang “Golden Hour.”


Noong Oktubre, ipinanganak niya ang kanyang unang anak, isang baby girl na pinangalanang Eliana.


Welcome back, Jessica! Excited na ang Pinoy fans! | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *