Nagsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamo laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza at online personality na si Jeffrey Celiz dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr..
Ipinakita ng NBI ang mga screenshot ng online posts at YouTube videos na ginamit ang hindi beripikadong medical reports para kuwestyunin ang kakayahan ng Pangulo sa pamumuno.
Inirekomenda ng NBI sa Department of Justice ang pagsampa ng kaso sa ilalim ng cyberlibel at Article 154 ng Revised Penal Code laban kina Sonza at Celiz.
Tinawag na rin ang social media personality na si Jack Argota para magpaliwanag bukas sa NBI dahil sa umano’y pamamahagi ng pekeng medical records ni Marcos.
Ayon sa Malacañang, ang lumabas na medical certificate ay “pekeng at malisyoso,” habang itinanggi ng St. Luke’s Medical Center noong Enero ang resulta ng isang abnormal CT scan na diumano’y ginawa kay Pangulong Marcos na may diverticulitis.
Lahat ng kasong ito ay bahagi ng imbestigasyon laban sa mga personalidad na nagpakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulo. | via Allan Ortega, D8TV News
