Japan aprubado ang pagbawas ng presyo ng gamot sa Alzheimer’s

Inaprubahan ng isang panel ng Japanese health ministry noong Miyerkules ang plano na bawasan ng 15% ang presyo ng Lecanemab, isang gamot laban sa Alzheimer na ginawa ng Japanese drugmaker na Eisai Co. at ng US partner nitong Biogen Inc., simula Nobyembre 1.

Batay ito sa pagsusuri ng Central Social Insurance Medical Council na nagsabing mababa ang cost-effectiveness ng gamot na ginagamit para gamutin ang demensya dulot ng Alzheimer’s disease.

Bubaba ang presyo ng gamot sa 97,277 yen para sa bawat bote na may 500 milligrams. Ang dosage ay naka-base sa timbang ng pasyente.

Halimbawa, ang pasyenteng may timbang na 50 kilo ay makakatipid mula sa halos 2.98 milyong yen kada taon tungo sa humigit-kumulang 2.53 milyong yen.

Itinuturing na makabago ang Lecanemab dahil tinatanggal nito ang abnormal na protina na naiipon sa utak ng pasyente at inaasahang makakapagpabagal ng paglala ng sakit.

Kasama ang gamot sa sistemang nag-aadjust ng presyo batay sa cost-effectiveness para sa mga mamahalin o malakihang merkado ng gamot. | via Allan Ortega | Photo via Jiji Press

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *