Itinalaga ni Pope Leo XIV si Tagle bilang titular ng simbahan na minsan niyang pinamunuan

Itinalaga ni Pope Leo XIV nitong Sabado si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang bagong titular ng Albano, isang suburbicarian na diyosesis na dating hawak ng Santo Papa bago siya mahalal, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Si Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization, ang pumalit kay Pope Leo, na naging cardinal bishop ng Albano mula pa noong Pebrero 2025.

Bago mahalal bilang Santo Papa, nagsilbi si Leo bilang prefect ng Dicastery for Bishops sa ilalim ng yumaong Pope Francis.

Ang Diocese of Albano, na matatagpuan malapit sa Roma, ay isa sa pitong suburbicarian sees na makasaysayang kaugnay ng mga cardinal bishops — ang pinakamataas na ranggo sa loob ng College of Cardinals.

Bago italaga bilang titular ng Suburbicarian Church of Albano, si Tagle ay nagsilbi bilang cardinal priest ng Church of San Felice da Cantalice sa Centocelle mula pa noong 2012.

Noong 2022, itinaas siya ni Pope Francis sa orden ng mga cardinal bishops, at itinalaga rin sa parehong titular na simbahan. | via Allan Ortega | Photo via CBCP News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *