Inanunsyo ng PAGASA na maulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas, Mindanao, at Palawan.
Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Zamboanga Peninsula, Negros Island Region, Western Visayas, at Palawan na maaaring magdulot ng flash floods o pagguho ng lupa.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Visayas, Mindanao, at MIMAROPA ay makararanas ng mga panaka-nakang ulan o thunderstorms.
Ang easterlies naman ang dahilan ng mga panaka-nakang pag-ulan o pagkulog sa Metro Manila at buong Luzon.
Sa extreme northern Luzon, inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na hangin at medyo maalon hanggang maalon na karagatan. Sa ibang bahagi ng bansa, banayad hanggang katamtamang hangin at bahagyang maalon.
Mainit pa din sa ilang lugar tulad Dagupan City na may 46°C, Aparri, Cagayan 45°C, Tuguegarao, Laoag, Masbate City, Cavite, Camarines Sur 44°C at Iloilo, Quezon, Aurora, Zambales, Bulacan, Samar na may 42–43°C.
Paalala sa lahat na ang level 42°C pataas ay may panganib ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke kapag matagal na nakababad sa init ng araw kaya mag-ingat at palaging uminom ng tubig. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV