Uulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies, ayon sa PAGASA.
Mindanao at Palawan, makakaranas ng kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat. Eastern Samar, maapektuhan din ng easterlies. Posibleng magdulot ng flash flood at landslide ang moderate to heavy rains sa mga apektadong lugar.
Sa iba pang bahagi ng bansa, asahan ang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.
Samantala, binabantayan din ang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility – 375 km mula sa Pag-asa Island, Palawan. Hindi ito inaasahang magiging bagyo sa loob ng 24 oras.
Samantala mas maraming lugar pa rin ang makakaranas ng “danger level” heat index. Pinakamainit sa Dagupan at Aparri na may 46°C, 45°C naman sa Laoag at Tuguegarao at 44-42°C sa higit 20 lugar kabilang ang Iloilo, Batangas, Zambales, Laguna, at iba pa!
Para makaiwas sa heat cramps, exhaustion, at heat stroke, uminom palagi ng maraming tubig at umiwas sa direktang sikat ng araw. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV