Hindi pa rin patapos ang drama ng panahon! Ayon sa PAGASA, asahan ang panaka-nakang pag-ulan at pagkidlat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.
Maulan sa Mindanao, basang-basa ang Davao Region, Soccsksargen, Surigao del Sur, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ!
Sa Aurora at Quezon naman, may banta rin ng ulan at thunderstorm dala naman ng easterlies. Mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslide!
Sa Metro Manila isolated rain showers pa rin kaya huwag kalimutang magdala ng payong.
May isang low pressure area ang namataan sa 360km kanluran ng Bacnotan, La Union pero Malabo naman itong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Light to moderate ang hangin at slight to moderate naman ang alon sa dagat sa buong bansa. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV