Isang 50-anyos na mamamahayag mula sa Perugia, Italy na si Laura Santi ang pinakahuling nagpasailalim sa assisted suicide nitong Martes matapos siyang uminom ng gamot na pamatay, ayon sa Luca Coscioni Association. Kasama niya sa huling sandali ang kanyang asawa na si Stefano.
Si Santi ay may multiple sclerosis at labis na nagdurusa. Ayon sa kanyang asawa, hindi na niya matiis ang sakit na lalo pang lumala nitong nakaraang taon. Sa huling pahayag ni Santi, iginiit niyang ang mga tulad niya na dumaranas ng matinding paghihirap ang dapat may karapatang pumili kung kailan at paano matatapos ang kanilang buhay.
Ang Luca Coscioni Association ay matagal nang tumutulong sa mga may malubhang karamdaman sa Italy para maisakatuparan ang assisted suicide, lalo na bago ang isang mahalagang desisyon ng Italian Supreme Court noong 2019 na nagsabing legal ito sa ilang partikular na kaso.
Sa kasalukuyan, may panukalang batas mula sa pamahalaan ni PM Giorgia Meloni upang linawin ang mga legal na tuntunin tungkol sa katapusan ng buhay. | via Allan Ortega | Photo via ANSA
#D8TVNews #D8TV
