Ginawa na natin noon, kaya natin ulitin.
Ito ang pangakong binitiwan ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kandidato sa pagka-alkalde ng Maynila, sa mga negosyante ng lungsod. Nangako siyang ibabalik ang kalinisan at kaayusan sa capital ng bansa.
Sa harap ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ipinahayag niya ang pagbabalik ng tax amnesty program at mas epektibong pangongolekta ng basura.
Matapos mahalal noong 2019, hindi niya tinaasan ang buwis at nagpatupad ng pinakamahabang tax amnesty sa kasaysayan ng Maynila. Sinabi niyang sa susunod na limang taon, mananatili ang tax policies upang bigyang katiyakan ang mga negosyo.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng malinis na lungsod. Nangako siyang muling ipatutupad ang epektibong koleksyon ng basura nang walang karagdagang bayad sa mga residente. โ via Allan Ortega | Photo via bworldonline.
Isko Moreno sa mga negosyante: Muli magiging malinis at matatag ang Maynila
