Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes ang pagbubukas ng floodgate at paglalagay ng trash traps sa Manila Bay nitong Miyerkules, July 16.
Ayon kay Moreno, pansamantalang solusyon ito para mabawasan ang pagbaha sa mga lugar ng Kalaw Avenue, Padre Faura, at Taft Avenue tuwing tag-ulan.
Tiniyak ng MMDA na sila ang mangangasiwa sa pagkolekta ng basura sa lugar.
Umaasa si Moreno na maglalaan ng karagdagang pondo ang national government, sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapabuti ng mga sewage treatment facilities ng lungsod. | via Allan Ortega