Sa isang makasaysayang talumpati sa United Nations sa New York, iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat isulong ang mas inklusibo at patas na pag-unlad para sa mga Persons with Disabilities (PWD)!
Binasa ni DSWD Assistant Secretary Elaine Fallarcuna ang pahayag ng Pilipinas sa ika-18 Session ng UN Conference of States Parties sa Convention on the Rights of Persons with Disabilities (COSP18-CRPD). Diin ni Fallarcuna: “Hindi opsyonal ang inklusibong pag-unlad – ito ay mahalaga para sa Sustainable Development Goals!”
Ipinagmalaki ng bansa ang mga hakbang nito gaya ng pag-align ng pondo ng gobyerno sa mga pangangailangan ng PWD, pagtibay sa data systems para sa mga vulnerable na sektor at mas pinalawak na access sa assistive tech at serbisyo.
Sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos, isinusulong din ang inclusive education, accessible healthcare, disente at pantay na trabaho, at social protection para sa mga PWD.
Sabi pa ni Fallarcuna, “Kailangan natin ng global cooperation – pero dapat igalang ang konteksto ng bawat bansa at ang boses ng mga PWD mismo!”
Ang COSP18-CRPD ay tatagal hanggang Hunyo 12 sa ilalim ng pangangasiwa ng UN Special Rapporteurs para sa trafficking at karapatan ng mga may kapansanan. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV