Isinusulong ng isang senador ang 60kph speed limit matapos ang deadly Commonwealth crash

Nanawagan si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino nitong Lunes sa mga awtoridad na higpitan ang pagpapatupad ng 60-kph speed limit sa mga pangunahing kalsada, kasunod ng isang aksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City.


Taong 2011 nang unang ipatupad ni Tolentino ang naturang speed limit habang siya’y Chairman ng MMDA, at pinalawak ito sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.


“Tinawag ang Commonwealth na ‘killer highway’ dahil sa dami ng aksidente’t namamatay. Kaya ipinasa natin ang 60 kph limit noong ako’y nasa MMDA pa,” ani Tolentino.


Linggo ng madaling araw, isang mabilis na pampasaherong jeep ang nawalan ng kontrol at bumangga sa dalawang sasakyan—dalawa ang patay, 16 ang sugatan.


Aniya, “Mahalaga pa rin ang speed limit na ito kahit 14 taon na ang lumipas. Para ito sa kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng publiko.”


Dagdag pa ni Tolentino, dapat may disiplina at respeto sa kalsada ang lahat ng motorista.
Samantala, inilunsad rin niya ang smart traffic light system sa Kalibo, Aklan— bahagi ng kanyang mga proyekto sa iba’t ibang siyudad tulad ng Dumaguete, Naga, Cavite (GMA), San Pablo, Calamba, at Roxas City. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *