Isasara pansamantala ang eastbound lanes ng Commonwealth Ave. mula University Ave. hanggang Tandang Sora Ave. simula Sabado, Marso 15, 10 p.m. hanggang Linggo, Marso 16, 4 a.m., ayon sa DOTr.
Ito ay dahil sa pagtatayo ng footbridge na magkokonekta sa Tandang Sora Station ng MRT-7. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.
Humihingi ng pang-unawa ang DOTr para sa abalang dulot nito, habang patuloy ang konstruksyon ng mas maayos na pampublikong transportasyon. Inaasahang magbubukas nang bahagi ang MRT-7 sa huling bahagi ng 2025. | via Allan Ortega | Photo via DOTr
Isasara ang bahagi ng Commonwealth Ave. sa March 15-16
