Nasunog ang isang tanker sa San Benito, Dinalupihan kaninang umaga, October 22. Makikita sa video na kuha ng motorista na si Marcelo Garcia ang pagsiklab ng malaking apoy sa boundary ng San Benito.
Nagkaroon naman ng biglaang power interruption sa mga lugar ng Dinalupihan, Hermosa Ecozone, bahagi ng Orani, Balanga, Samal, at sa kahabaan ng Roman Superhighway.
Ayon sa PENELCO, agad namang rumesponde ang kanilang linemen upang ayusin ang mga naapektuhang linya matapos maideklarang fire out ang sunog.
Agad ding rumesponde ang lokal na pulisya at ang mga bumbero upang apulahin ang apoy.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog. | via Kai Diamante
