Isang Pinoy nasa ICU, isa pa nawawala matapos ang sunog sa residential complex sa Hong Kong

Nasa kritikal na kondisyon ang isang Pinoy domestic worker habang nawawala ang isa pa matapos ang dambuhalang sunog na tumupok sa isang high-rise residential complex sa Tai Po, Hong Kong.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona, naka-confine sa ICU ang isang domestic worker habang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad sa isa pang nawawala.

Sa ngayon, walang Pilipinong kabilang sa opisyal na listahan ng siyamnapu’t apat na nasawi sa pinakamalaking sunog na naganap sa kasaysayan ng Hong Kong na umabot sa Alert Level 5.

Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate General sa Hong Kong Police, Labour Department, at Home Affairs Department para matukoy ang kinaroroonan ng nawawalang Pilipino at beripikahin ang kalagayan ng iba pang naapektuhan.

Patuloy din ang pagtutok ng DFA sa sitwasyon at nagpasalamat sa Hong Kong authorities sa kanilang tulong.
Nasa 23 Filipino domestic workers na ang nabigyan ng welfare assistance ng Consulate, Migrant Workers Office, at OWWA, na bumisita sa mga government shelters para tulungan ang mga naapektuhan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *