Isang Pinay, kumpirmadong namatay sa sunog sa Hong Kong

Isang Pinay domestic worker ang kinumpirmang namatay sa malaking sunog na naganap sa isang high-rise residential complex sa Tai Po, Hong Kong noong Miyerkules, November 26.

Ayon sa Philippine Consulate General doon, una nang naiulat na nawawala si Maryann Pascual Esteban matapos ang sunog bago ito natagpuang nasawi.

Sa pahayag ng konsulado, binigyang-diin ang mga sakripisyong ginawa ni Esteban para sa kaniyang naiwang pamilya, kabilang ang isang sampung taong gulang na anak, sa Cainta, Rizal.

Tumaas na sa 146 ang bilang ng mga namatay sa pinakamalaking sunog na naganap sa dating British Colony na umabot sa Alert Level 5. Nasa 79 pa ang bilang ng nawawala.

Sa tala ng konsulado, 84 na Pilipino ang iniulat na ligtas, isa ang sugatan, at pito pa ang bineberipika pa ang status. Patuloy ang on-the-ground assistance ng konsulado para matiyak ang kalagayan ng mga apektadong OFW. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *