Isang high-target drug personality sa Ilocos Sur, Timbog

Timbog ang suspek na kinilalang si alyas Butsoy, 45-anyos, construction worker, at kabilang sa provincial drug watchlist pasado alas-sais ng umaga matapos salakayin ng PDEA Region I at pulisya ang Sitio Cagalongan, Barangay Narvacan.

Nasamsam mula sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na isang gramo, buy-bust money, mga drug paraphernalia, at isang calibre .22 revolver.

Sa ngayon, nahaharap si Butsoy sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Firearms Regulation Act. Siya ngayon ay nakakulong sa Narvacan Police Station.

Ayon sa PDEA, bahagi ito ng pinaigting na operasyon kontra droga upang tuluyang sa rehiyon. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *