Kalaboso ang isang drug personality na si alyas “Nicko”, 31-anyos, walang trabaho, at residente ng Tumaga, sa buy-bust operation ng PDEA Region 9, pasado alas-12 ng tanghali.
Dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 12 gramo, at nagkakahalaga ng mahigit ₱81,000, ang nakumpiska. Kasama rin sa mga ebidensya ang marked money, cellphone, power bank, pitaka, at ID.
Pinangunahan ng PDEA Zamboanga City Office ang operasyon, katuwang ang Seaport at Airport Interdiction Unit, pati na ang Zamboanga City Police at RMFB 9.
Kakasuhan si Nicko ng paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
