Isa pang impeachment complaint, ihahain laban sa Pangulo

Isa pang panibagong impeachment complaint ang nakatakdang ihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., this time mula sa isang progresibong grupo ng mga mamababatas.

Ayon sa Makabayan bloc, ang impeachment umano ang natitirang mekanismo upang mapanagot ang Chief Executive sa mga alegasyon ng iba’t-ibang impeachable acts.

Kabilang umano dito ang sinasabing katiwalian sa pambansang badyet at pagtanggap ng kickback mula sa ilang infrastructure projects.

Dahil sa kawalan umano ng malinaw at independent na imbestigasyon kaugnay sa mga paratang laban kay Marcos, impeachment na lamang ang nakikita nilang paraan upang matiyak ang pananagutan ng Pangulo.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Makabayan bloc na may sapat umanong batayan para sa impeachment dahil sa tinawag nilang systematic plunder ng budget, paglobo ng unprogrammed funds na umano’y ginamit sa mga kuwestiyonableng flood control projects, at seryosong alegasyon ng kickbacks na iniuugnay sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ito rin halos ang nilalaman ng unang impeachment complaint na inihanin kaninang umaga laban sa Pangulo na inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay.

Umaasa umano ang Pangulo na ire-respeto ng Kongreso ang pagiging co-equal branch ng gobyerno at susundin nito ang angkop na prosesong naaayon sa batas. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *