Ipinasa ng Senado sa rules panel ang reklamong impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara

Pormal nang umusad ang kaso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos itong i-refer ng Senado sa Committee on Rules nitong Lunes ng gabi. Isa itong hakbang patungo sa posibleng paglilitis sa Senado.

Si Senate President Chiz Escudero ay nanumpa na bilang presiding officer ng impeachment court — isang simbolikong galaw na nagpapakitang seryoso na ang Senado sa pagdinig sa kaso.

Nangyari ito matapos himukin ni Sen. Koko Pimentel ang Senado na agad simulan ang trial, ayon sa 1987 Constitution. Sumang-ayon rin si Sen. Risa Hontiveros.

Matatandaang inakusahan si Duterte ng korapsyon, maling paggamit ng confidential funds, at pagbabanta kay President Marcos Jr. at iba pang opisyal. Naipasa na sa Senado ang complaint noong Pebrero 5.

Ngayon, trabaho ng Committee on Rules na itakda ang trial schedule at ang pormal na panunumpa ng mga senador bilang huwes.


Pero may mga kaalyado si Duterte na gustong ibasura ang kaso dahil sa umano’y “kawalan ng aksyon.”
Kung mapatunayang guilty ng 2/3 ng Senado, aalisin sa puwesto si Sara Duterte at hindi na makakabalik sa anumang public office.

Ito na ang ikalimang impeachment case sa kasaysayan ng Pilipinas — at unang beses na laban sa isang Vice President!

Posibleng umusad na ang kaso sa pagbabalik ng session sa June 11. Congress ay mag-a-adjourn sa June 30. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Avito Dalan

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *