Hinuli ng pulisya si dating Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik niya mula Hong Kong nitong Martes, dala ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC). Agad siyang dinala sa Netherlands upang humarap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga.
Ayon kay ICC Chief Prosecutor Karim Khan, “The arrest of the former president of the Philippines, Mr. Rodrigo Roa Duterte, is an important moment.” Dagdag pa niya, “The fact that [the arrest warrant] has been executed is important to victims. It means a lot to victims. That’s the feedback we have already received.” Opisyal na datos ng PNP na mga naging biktima ng war on drugs ay 6,000 ang na patay, pero sabi ng human rights groups, maaaring umabot sa 30,000.
Kasama sa kaso ang umano’y papel ni Duterte bilang pinuno ng Davao Death Squad mula pa noong alkalde siya ng Davao. Giit ng ICC, may sapat na batayan para arestuhin siya dahil nangyari ang mga krimen noong miyembro pa ng Rome Statute ang Pilipinas.
Sa kabila ng kanyang pagkakaaresto, tiniyak ng ICC na inosente pa rin si Duterte hangga’t hindi napatutunayang guilty. Patuloy ang imbestigasyon, at bukas ang korte sa karagdagang testigo. | via Lorencris Siarez | Photo via AFP / Dimitar Dilkoff
Ipinaliwanag ng ICC prosecutor ang batayan ng pag-aresto kay Duterte, pinasalamatan niya ang tapang ng mga biktima
