Ilulunsad na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Presidential Action Center (PAC) sa eGovPH mobile app bilang “one-stop shop” para sa tulong mula sa gobyerno!
Ayon kay DICT Undersecretary David Almirol Jr., sa loob ng ilang linggo ay bubuksan na ang PAC kung saan lahat ng ahensyang kailangan mo — SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, LTO, NBI, PNP, DMW — nasa iisang gusali lang sa San Juan!
Kailangan lang mag-register sa eGovPH app, gamitin ang PAC feature, at may QR code ka na agad para sa serbisyo! Pwede ka ring mag-set ng passport appointment, mag-request ng National ID, at humingi ng medical, funeral, o financial assistance mula sa DSWD, DOH, at iba pa.
May problema sa bayarin sa ospital o gamot? QR code lang ang katapat! May libreng legal help din mula sa PAO!
Sabi pa ni Almirol: “Hindi lang ito government service, public service talaga ito!” Kaya mga kababayan, i-download na ang eGovPH super app at iwas hassle sa papel-papel! | via Allan Ortega | Photo Courtesy of PCO
#D8TVNews #D8TV