Ipinahayag ng AFP ang agarang pangangailangan para sa stronger cyber resilience

Pinag-iibayo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang depensa laban sa lumalalang banta ng cyber attacks at dayuhang paniniktik na maaaring makaapekto sa seguridad ng bansa.
Sa GovX.0 Summit nitong Miyerkules, binigyang-diin ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ang pangangailangan ng matibay na cybersecurity sa harap ng mga pag-atake sa digital and physical infrastructure ng bansa.
Babala ni Padilla, target ng cyber espionage ang military bases, power grids, at mga ahensya ng gobyerno. Dagdag pa rito, posibleng magamit ng mga ilegal na POGO ang cybercrime sa pandaraya, hacking, at human trafficking.
Tinukoy rin niyang isa ang West Philippine Sea sa pinaka-pinag-aagawang teritoryo—hindi lang sa lupa kundi pati na rin sa cyberspace.
Nanawagan siya sa publiko na magkaisa laban kontra cyber threats, lalo na’t maraming Pilipino ang aktibo sa social media. Tiniyak rin ng AFP ang kahandaan nitong makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang seguridad ng bansa.
“Ang ating mga sundalo, airmen, sailors, at marines ay patuloy na ipaglalaban ang ating karagatan, karapatan, at kinabukasan!” pahayag ni Padilla. | via Allan Ortega | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *