Ipinakilala na ni Pope Leo XIV ang kanyang opisyal na coat of arms at motto — parehong hango sa pananampalataya ni Saint Augustine at may temang pagkakaisa at pagkakapatiran sa Simbahan, ayon sa Vatican News.
Ang kanyang coat of arms ay hati sa gitna. Sa itaas, may puting liryo sa asul na background bilang simbolo ng kalinisan. Sa ibaba, makikita ang pusong tinamaan ng palaso sa ibabaw ng saradong aklat — patama kay Saint Augustine na minsang nagsabi, “Vulnerasti cor meum verbo tuo” (“Tinamaan mo ang puso ko sa iyong Salita”).
Ang napili niyang motto ay “In Illo uno unum” o sa Tagalog, “Sa Isa, tayo’y isa.” Galing ito sa sinulat ni Augustine sa Psalm 127, kung saan pinapaliwanag na kahit marami tayo bilang Kristiyano, iisa tayo kay Kristo.
Ayon sa 2023 interview ni dating Cardinal Robert Francis Prevost, ang motto ay salamin ng kanyang pananampalataya: “Ang pagkakaisa at pagkakapatiran ay nasa puso ng Augustinian way.”
Sabi pa ni Augustine: “Si Kristo—ulo at katawan—ay iisang tao. Kahit marami tayo, sa Kanya ay nagkakaisa tayo.”
Iisang Simbahan. Isang Puso. Isang Kristo. | via Allan Ortega | Photo via Azertac
#D8TVNews #D8TV