Ipinagdiinan ni PCO chief Ruiz ang tungkulin ng Meta na pigilan ang pekeng balita

Sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sugpuin ang fake news, hiniling ni PCO Secretary Jay Ruiz ang mas mahigpit na aksyon ng Meta (may-ari ng Facebook at Instagram) laban sa maling impormasyon online.

Sa isang pagdinig sa Kongreso, inamin ni Ruiz na kahit gobyerno ay “walang laban” kapag tumanggi ang Meta na burahin ang pekeng content — tulad ng insidente kung saan kumalat ang pekeng memo galing umano sa Office of the Executive Secretary. Kahit may patunay mula sa DICT na peke ito, ayaw pa ring tanggalin ng Meta. Freedom of expression daw!

“Ano ‘to, at the mercy na lang tayo ng platforms? Wala nga silang buwis dito!” banat ni Ruiz. Ayon sa kanya, dapat managot ang Meta dahil sa epekto ng fake news sa tiwala ng publiko at sa demokrasya — lalo na tuwing eleksyon.

Bilang solusyon, binanggit ni Ruiz ang estilo ng Singapore na nagpapataw ng up to 6% ng kita bilang parusa sa social media companies na nagpapalaganap ng disinformation.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, mahalaga ang tamang impormasyon para makinabang ang publiko sa mga proyekto ng gobyerno gaya ng “Benteng Bigas Meron Na” na PHP20/kilo lang. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *