Ipinagbabawal ni Trump ang pagpasok ng mga foreign student na nag-aaral sa Harvard

Isang bomba ang pinasabog ni dating U.S. President Donald Trump nitong Miyerkules matapos niyang suspindihin ng anim na buwan ang pagpasok ng mga dayuhang estudyante sa Harvard University! Ayon sa kanya, banta ito sa pambansang seguridad.

Nabigla ang Harvard at tinawag ng unibersidad ang hakbang bilang “ilegal na paghihiganti” at paglabag sa kanilang First Amendment rights. Giit nila ipagtatanggol nila ang mga international students nila hanggang dulo!

Puwedeng mas pahabain pa ang suspensyon, at pinaparepaso pa ni Trump sa State Department ang visa ng mga estudyanteng nandoon na sa Harvard!

Nangyari ang desisyon na ito matapos hindi sumunod ang Harvard sa mga dikta ng gobyerno tungkol sa pamamalakad, kurikulum at ideolohiya, sinampahan ito ng kaso, tinanggalan ng visa certification, at sinubukang tapyasan ng pondo.


Pero hindi nagpatinag ang korte at si Judge Allison Burroughs ay handang maglabas ng injunction para protektahan ang mga estudyante.

Sa isang cable na nakuha ng Reuters, inutusan ng State Department ang mga embahada na higpitan ang visa para sa sinumang papasok ng Harvard.

Ayon sa proklamasyon ni Trump: May koneksyon daw ang Harvard sa mga dayuhang kalaban gaya ng China, may mga krimeng hindi pinaparusahan, at may mga estudyanteng sangkot sa ilegal na Gawain. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *