Simula Marso 10, may itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) ang Department of Agriculture (DA) para sa karneng baboy sa mga palengke ng Metro Manila.
📌 Presyong Itinakda:
🐷 PHP350/kg – Kasim at Pigue
🐷 PHP380/kg – Liempo
🐷 PHP300/kg – Presyo ng pagbili ng traders
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makakatulong ito sa pagsustento ng industriya ng baboy na patuloy na apektado ng African Swine Fever (ASF). Ang desisyon ay napagkasunduan matapos ang konsultasyon sa mga magsasaka, biyahero, at tindero.
Sinabi naman ng grupo ng agrikultura na SINAG na lahat ng sektor, mula farmgate hanggang retailers, ay sang-ayon sa bagong presyo. Posibleng bumaba pa ang presyo sa ibang lugar depende sa gastos sa pagbiyahe.
Sa ngayon, ang kasalukuyang presyo ng kasim ay PHP380/kg at PHP450/kg para sa liempo. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
Ipatutupad ng DA ang maximum price ng baboy sa NCR sa Marso 10
