Inutos ni PBBM ang imbestigasyon sa dredging at reclamation sa katubigan ng Pilipinas

Nag-utos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng masinsinang imbestigasyon matapos mabunyag na ang buhangin mula sa baybayin ng Pilipinas ay ginagamit umano sa mga reclamation project ng China sa West Philippine Sea!

Ayon sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), may mga kumpanyang Tsino na dawit sa paghuhukay ng buhangin mula sa ating karagatan, kabilang ang Manila Bay.

Sabi ni Malacañang Press Officer Claire Castro, “May imbestigasyon na pong isinasagawa. At kapag may malinaw na resulta, agad pong kikilos ang gobyerno.”

Itinanggi rin ni Castro na palalampasin ito—kapag may LGU o opisyal na sangkot, tiyak na papanagutin. “’Yan ang utos ng Pangulo — kung may dapat managot, mananagot!” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *