Iniutos ni PBBM ang proteksyon ng mga pasahero laban sa mga ‘abusadong’ driver

Hiniling ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Transportation (DOTr) na mas protektahan ang mga pasahero laban sa mga abusadong driver!

Ito’y kasunod ng utos ng Land Transportation Office (LTO) na patawan ng show cause order ang 1,165 sasakyang bumagsak sa roadworthiness test. Bukod pa diyan, 671 driver ang sinuspinde! 574 dahil sa aksidente na nagdulot ng injury o kamatayan at 97 naman nagpositibo sa droga!

Nag-utos na rin si DOTr Secretary Vince Dizon ng special task force para i-review ang road safety rules at iwas-aksidente.

Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), tumataas ang bilang ng namamatay sa aksidente sa Pilipinas – 12.3 katao kada 100,000 population, mas mataas kumpara sa 9.3 sa Europe.

Ani Malacañang: “Dapat ligtas ang tao sa kalsada, at ‘di dapat abusuhin ang pagiging driver!”
Suportado rin ng gobyerno ang panukalang huwag ikulong agad ang mga driver na may sapat na ebidensya ng defensive driving sa aksidente. Pero palala hindi porket biktima, ligtas ka na agad sa imbestigasyon. Due process pa rin! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *