Iniutos ng LTFRB na pagandahin ng bus company ang pasilidad ng terminal sa loob ng 60 araw

Naglabas ng utos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng bus at terminal operators sa buong bansa: ayusin at i-upgrade ang pasilidad sa loob ng 60 araw—kung hindi, asahan ang suspensyon o parusa!

Ayon sa LTFRB, kaligtasan at kaginhawaan ng pasahero ang prioridad, kaya dapat mag-self-assess ang mga kumpanya gamit ang itinakdang standards at magsumite ng compliance plan sa loob ng limang araw. Kailangan detalyado ito: kulang sa pasilidad planong improvements, schedules, at training ng staff para sa kalinisan, customer service, at kaligtasan.

Magkakaroon din ng final inspection ang LTFRB—kapag palpak, tiyak na may kalalagyan!

Sa utos nina Pangulong Marcos at DOTr Sec. Vince Dizon, binisita rin ng LTO Chief Vigor Mendoza ang ilang terminal. Nahuli niya ang Mark Eve’s Transit, Elavil at Eagle Star na may palpak na serbisyo sa pasahero sa Quezon City. Sinuri pa mismo ni Mendoza ang gulong at records ng mga bus.
Babala ng LTO may parusa sa mga hindi sumusunod. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *