Todo-handa na ang PNP sa Ilocos Norte para sa halalan sa Mayo 12 at Palarong Pambansa!
Ayon kay Police Col. Frederick Obar, activated na ang security plan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa dagsa ng turista ngayong tag-init. Kasado na ang pakikipagtulungan ng PNP sa AFP, mga barangay tanod, traffic aides, at mga tsuper bilang dagdag-mata sa seguridad.
May mga itinakdang checkpoint at public assistance centers sa strategic areas, habang dagdag-pulis din ang ide-deploy sa sporting events at matataong lugar. Regular ding paiigtingin ang inspeksyon sa bus terminals, seaports, at airports.
Samantala, nagbigay suporta ang lokal na pamahalaan para sa matagumpay na Palarong Pambansa mula Mayo 24 hanggang Hunyo 2. Kasama sa seguridad ang 26 firetrucks at medical teams, habang sinisiguro na ang fire safety sa mga matutuluyang lugar.
Bantay-sarado ang Ilocos Norte para sa ligtas at maayos na mga kaganapan! | via Lorencris Siarez | Photo via Leilanie Adriano
D8TVNews #D8TV