Inflation sa Pilipinas, bumilis sa 1.5% nitong Agosto — PSA

Bumilis sa 1.5% nitong Agosto ang taunang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo kumpara sa 0.9% noong July, ayon sa PSA nitong Biyernes.

Saad ng National Statistician na si Dennis Mapa, bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng isda at gulay. Ini-ugnay naman niyang malaking sanhi ang sunud-sunod na pagulan at pagbaha dala ng Habagat at bagyo.

“Nakikita natin na pag may mga bagyo at nagkakaroon ng baha sa ating lands na nagpro-produce ng products [like] vegetables, ‘yun talaga ‘yung unang tinatamaan,” sabi ni Mapa.

Ang pinakahuling inflation figure ay bunsod din daw ng mas mataas na presyo ng gasolina at diesel. | via Martina Torres. D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *