Industriya ng LPG sa bansa, nangangamba sa deklarasyon ng national energy emergency

Sumipa nang hanggang apat na beses ang shipping cost ng liquefied petroleum gas o LPG, dahilan upang tumaas ang presyo nito sa bansa.

Sa panayam ng D8TV News kay Regasco President and CEO Arnel Ty, sinabi nitong tatlong linggo na ang nakalipas nang magpatawag ng pulong ang Malacañang kasama ang Department of Energy, kung saan inatasan ang mga kumpanya na bumili ng suplay sa international market, anumang halaga, dahil sa inaasahang pangmatagalang tensyon sa Middle East.

Inamin ni Ty na sa international market sila kumukuha ng LPG, ngunit may pangamba sila sa deklarasyon ng national energy emergency.

Kapag nagkaroon umano ng price control, maaari itong makaapekto sa kanilang operasyon lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Sa kasalukuyan, mayroong 30 hanggang 40 days inventory ng LPG ang bansa at inaasahang iaanunsyo ang panibagong presyo sa katapusan ng buwan, kung saan tinatayang nasa ₱30 kada kilo ang magiging dagdag sa halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *