Indonesia nagbigay ng humanitarian aid sa Gaza

Matagumpay na naisagawa ng Indonesian Defense Force (TNI) ang humanitarian air drops para sa mga Palestino sa Gaza Strip nitong Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng kalayaan ng Indonesia.

Ayon kay Brigadier General Frega Wenas ng Defense Ministry, ito ay “espesyal na regalo” para sa bansa at tiyak na papasok sa kasaysayan.

Gamit ang dalawang C-130J Super Hercules ng “Garuda Merah Putih II” Task Force, dinala ang mahigit 800 tonelada ng pagkain, gamot at damit. Lumipad ang mga eroplano mula Jordan patungong Gaza at matagumpay na ibinaba ang tulong sa 10 ligtas na drop points bago bumalik nang ligtas sa base.

Ang operasyon ay isinagawa sa tulong ng Foreign Ministry at ng Baznas (Indonesian Alms Agency). Ayon kay Task Force Commander Col. Puguh Yulianto, ito ay direktang atas mula kay Pangulong Prabowo Subianto at patunay ng malasakit ng Indonesia sa pandaigdigang kapayapaan. | via Allan Ortega | Photo via ANTARA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *