Maagang tinapos ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kanilang nakatakdang tatlong-araw na “anti-corruption” rally, na nagtapos nitong Lunes, Nobyembre 17 isang araw bago ang plano.
Ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala, nakamit na raw ng grupo ang layunin nito kaya hindi na kinailangan pang pahabain ang kilos-protesta. Nagsimula ang rally noong Nobyembre 16 at dapat sana’y hanggang Nobyembre 18.
Sabi ni Zabala, sapat na raw ang ipinadalang mensahe para sa justice, accountability, transparency, at peace, at pagod na rin ang mga dumalo. Giit niya, hindi ito political rally kundi panawagan para sa malinaw at tapat na pamamahala.
Tinatayang 550,000 katao ang dumalo sa Quirino Grandstand nitong Lunes, habang umabot sa 600,000 ang noong Linggo. | via Allan Ortega
