INC rally, nananawagan ng aksyon laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno

Sa kabila ng pabago-bago ng panahon uulan at aaraw, dagsa pa rin ang mga dumalo sa Quirino Grandstand kahapon para sa pagsisimula ng tatlong-araw na rally ng Iglesia ni Cristo.

Umabot sa humigit-kumulang 650,000 ang crowd sa unang araw, ayon sa Manila DRRMO.


Sa talumpati ni Bienvenido Santiago Jr., general evangelist ng INC, iginiit na hindi ito political rally kundi isang payapang panawagan para sa transparency, accountability at mabuting pamamahala.

Mariin niyang tinutulan ang anumang “extreme” o di-konstitusyunal na hakbang gaya ng rebolusyon, coup d’état, snap elections, o civilian-military junta.

Hindi umano nila nais pabagsakin ang gobyerno, kundi alisin ang korapsyon at ang mga lider na sangkot dito.


Binanggit din niya ang epekto ng korapsyon sa ekonomiya kabilang ang nahintong loan ng South Korea, kawalan ng bagong investments sa APEC, at paghina ng stock market.


Ngayon ang ikalawang araw ng peaceful rally ng Iglesia ni Cristo at nagdaratingan na muli ang mga kaanib nito mula sa iba’t ibang lugar upang makiisa sa payapang panawagan para sa transparency, accountability, justice at peace. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *