Tuloy na ang pagpapatayo ng 31.3-ektaryang security complex ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa New Clark City matapos aprubahan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang detalyadong plano nito.
Ayon sa BCDA, makakatulong ito sa layunin ng gobyerno na mabawasan ang siksikan sa Metro Manila at mapaunlad ang ekonomiya ng Gitnang Luzon.
Pahayag ni BCDA CEO Joshua Bingcang: “Sa paglipat ng mahahalagang operasyon ng BSP sa New Clark City, mapapabilis ang kaunlaran sa mga probinsya, madaragdagan ang trabaho, at mapapalakas ang ating mga institusyon.”
Prayoridad din umano ang mga manggagawang taga-Tarlac at karatig lugar sa konstruksyon. Inaasahan ding sisigla ang lokal na ekonomiya dahil sa paglipat ng mga manggagawa at kanilang pamilya.
Ang BSP Complex ay may 50-taong lease at magiging ligtas, self-sufficient, at eco-friendly alinsunod sa LEED standards para sa energy efficiency at climate resilience. | via Allan Ortega | Courtesy of BCDA
#D8TVNews #D8TV