Inanunsyo ang P5,000 na dagdag sa buwanang allowance ng mga atleta

Maagang dumating ang Pasko para sa mga pambansang atleta at coaches! Inanunsyo ni bagong PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio ang ₱5,000 dagdag sa buwanang allowance ng lahat ng miyembro ng national team — epektibo simula Agosto.

Sa kanyang unang general assembly bilang pinuno ng Philippine Sports Commission, sinabi ni Gregorio na maraming atleta ang tumatanggap pa rin ng ₱10,000 kada buwan—mas mababa pa sa minimum wage. Kaya’t nagpasya siyang magpatupad ng across-the-board increase, na aabot ng ₱10 milyon kada buwan para sa PSC.

Dagdag pa diyan, ipinangako ni Gregorio ang mas mabilis na pagproseso ng allowance, 24/7 help desk, at pagbuhay ng mga athletes’ canteen sa Rizal Memorial, PhilSports sa Pasig, at Baguio training center.
Green light na rin ang matagal nang pending na Philippine Sports Training Center matapos ang 6 na taong pagkaantala.

Present din sa assembly sina POC President Abraham Tolentino at mga PSC commissioners na sina Bong Coo, Wawit Torres, Ed Hayco, at Fritz Gaston. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *