Inaasahang tataas ang presyo ng seafood ngayong Semana Santa dahil sa pagtaas ng demand. Ito ay dahil sa tradisyunal na pag-iwas ng mga Katolikong Pilipino sa pagkain ng karne tuwing Mahal na Araw.
Ayon sa mga ulat, ang presyo ng bangus ay nasa pagitan ng ₱140 hanggang ₱250 kada kilo, habang ang tilapia ay nasa ₱120 hanggang ₱180 kada kilo. Sa Agdao Public Market sa Davao, ang matambaka ay tumaas sa ₱260 kada kilo mula sa ₱240, at ang moromoro ay nasa ₱60 kada kilo. Ang danggit at bangus ay nasa ₱200 at ₱220 kada kilo.
Nananatiling matatag ang supply ng isda sa bansa, ayon sa DA at inaasahan nilang magiging sapat ito para matugunan ang pangangailangan ng publiko ngayong Semana Santa. Nagbabala ang grupong PAMALAKAYA laban sa posibleng manipulasyon ng presyo ng isda, hinimok nila ang Department of Agriculture (DA) na bantayan ang mga pamilihan upang maiwasan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV
