Inaasahang tataas ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo

Inaasahang magtataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga source ng industriya nitong Biyernes. May posibilidad na tumaas ang gasolina ng ₱0.15 hanggang ₱0.60/litro, diesel ng ₱0.50 hanggang ₱0.90/litro, at kerosene ng ₱0.25 hanggang ₱0.40/litro.

Ayon sa Department of Energy, epekto ito ng tuloy-tuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine, pati na rin ng usapang nuclear deal ng U.S. at Iran. Dagdag pa rito ang sunog sa Canada na nakaapekto sa oil production at ang malaking bawas sa oil stock ng U.S.

Sabi naman ni Jetti Petroleum President Leo Bellas, mas mataas ang demand ngayon dahil summer season sa mga bansang nasa Northern Hemisphere, sabayan pa ng refinery maintenance at mababang export mula China.

Ngayong linggo, tumaas ang gasolina ng ₱0.40/litro, diesel ng ₱0.30/litro, habang bumaba ang kerosene ng ₱0.10/litro. | via Lorencris Siarez | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *