Maghanda na mga motorista! Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo!
Narito ang posibleng dagdag-presyo Gasolina: +P0.95 hanggang P1.40 kada litro, Diesel: +P1.50 hanggang P2.00 kada litro at Kerosene: +P1.30 hanggang P1.40 kada litro.
Ayon kay DOE-OIMB Assistant Director Rodela Romero, ang taas-presyo ay dulot ng kasunduan ng US at China na bawasan ang buwis sa imported goods, sanctions ng US laban sa mga kumpanyang may kinalaman sa oil trade ng Iran, at inaasahang mabagal na oil supply growth ayon sa OPEC.
Ang mga oil company ay mag-a-anunsyo ng opisyal na price adjustment tuwing Lunes, na agad namang ipapatupad kinabukasan. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV