Tinatayang 10,000 hanggang 15,000 pang pasahero ang magdadagdag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Semana Santa, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, umaabot sa 135,000 kada araw ang average na bilang ng mga pasahero sa nakalipas na dalawang linggo. Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 1 milyon ang bumiyahe sa NAIA mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Samantala, nasa proseso pa rin ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng pagpapabuti ng supply ng kuryente, kaya walang kasiguraduhan kung maiiwasan ang brownout ngayong Semana Santa. Noong Marso 27, 2024, naranasan ang power fluctuation sa Terminal 2 na tumagal ng mahigit tatlong oras.
Sa kabilang banda, inanunsyo ng NNIC na isasara na ang arrival extension ng NAIA Terminal 1 simula Marso 26 para sa pagpapaganda ng pasilidad, kabilang ang bagong arrival curbside, mas maayos na bubong, at karagdagang restrooms. Wala pang tiyak na petsa kung kailan matatapos ang renovation. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV