Ina na nagbenta ng anak, arestado

Arestado ang isang 17-anyos na ina matapos umanong ibenta ang sarili niyang isang buwang gulang na anak sa halagang ₱55,000, ayon sa PNP-Women and Children Protection Center.

Nang madiskubre ng pulisya ang offer sa social media, nagkunwaring buyer ang isang pulis at natimbog ang suspek sa isang fast-food restaurant sa Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, gagamitin umano ng batang ina ang pera para sa matrikula, at may kausap pa raw na dayuhang nasa Japan na nagpapadala ng pera para bilhin ang bata.

Sa ngayon, ang ina at sanggol ay isinailalim na sa pangangalaga ng Quezon City Social Services Department.

Iniimbestigahan na rin ang posibleng papel ng ama ng sanggol, na isa ring menor de edad.

Bagama’t menor de edad, sinabi ng PNP na may “discernment” o malinaw na kamalayan ang suspek, kaya maaari siyang kasuhan ng human trafficking, child abuse, at cybercrime. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *